Ano ang JAPAN RYOKAN & HOTEL ASSOCIATION?

Kasapi sa JAPAN RYOKAN & HOTEL ASSOCIATION ang lahat ng ryokan at hotel na nakalista sa site na ito. Napatunayan ang lahat batay sa mahigpit na pamantayan sa pagsapi. Naghahandog kami ng ligtas, tiwasay at maginhawang matutuluyan para sa aming mga bisita. Pagdating ninyo sa Japan, gamitin sana ninyo ang isa sa mga ryokan o hotel na kasapi sa aming samahan.

Paglalakbay sa mga kilalang pinatutunguhan ng mga turista

Napapaligiran ng dagat, umunlad ang sariling katutubong kultura ng Japan at ayon sa kaugalian, ginagalang ng mga tao ang kalikasan at pinapahalagahan nila ang pagpapalit ng panahon.
Mabait sa mga turista ang Japan at tanyag ang antas ng kaligtasan dito at ang epektibo at maaasahang sistema ng pampublikong transportasyon. Tahimik at karaniwang mahinahon ang pag-uugali ng mga taong Hapones.
Sa Japan, may sari-sariling katangian ang bawat lungsod. Halimbawa, sentro ng politiko, ekonomiya at kultura ng bansang Hapon ang Tokyo, samantalang may sariling makalumang kultura naman at maraming Pook na Pamanang Pandaigdig ang Kyoto. Bakit hindi kayo maghanap ng “ryokan” (panuluyang Hapon) o hotel, at magpahinga habang dumaranas ng kulturang Hapones?

Pagdanas ng pinakatampok na kulturang Hapones

Paginhawahin ang inyong pagod sa biyahe

Paginhawahin ang inyong pagod sa biyahe

Sa Japan, nakaugalian ng mga taong gamitin ang mainit na bukal sa paggagamot, sa gawing tinatawag na “tōji.” Karaniwang paraan ng pagpapagaling mula sa sakit, karamdaman at pinsala sa katawan sa loob ng maraming salinlahi ang Tōji, at nauugnay ito sa pagtuloy sa ryokan na may mainit na bukal at napapaligiran ng mayamang kalikasan. Magdudulot ito ng napakaginhawang panahon. Babanggitin namin ang ilang magagandang mainit na bukal, ryokan at hotel sa buong Japan.

  • hot springs
  • hot springs
  • hot springs

Omotenashi - Kagandahang-loob ng Hapones –

Omotenashi - Kagandahang-loob ng Hapones –

Patuloy na pinapaunlad ng mga ryokan ang kanilang “omotenashi” (kagandahang-loob ng Hapones) upang mabagay sa nagbabagong panahon. Isa sa pinakanakakaakit na uri ng omotenashi na inihahandog ng mga ryokan ang paglalaan ng nakakapanatag na pakiramdam ng “wa” (pagkakasundo) na mae-enjoy ng maraming bisita. Bilang pagtugon sa kahilingan para sa “pinabuting kaparaanan” at “pagiging internasyonal” (internationalization), nilalayon ng mga ryokan at hotel na maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanilang omotenashi, at sa gayon makalikha ng mas magagandang patutunguhan ng mga turistang dumadalaw sa Japan.

Makabagong lutuing Hapon na sumasalamin sa panahon

Makabagong lutuing Hapon na sumasalamin sa panahon

Lutuing nagmula sa Japan ang “Washoku” at ihinahanda ito gamit ang mga sangkap sa pook. Ang kanin, gulay at isda ang ilan sa mga pangunahing sangkap ng Washoku, at tanyag sa ibang bansa ang mga kilalang pagkaing Hapon tulad ng sushi, sashimi, tempura at soba. Kamakailan, itinalaga ng UNESCO bilang Di-Nahahawakang Pamanang Pangkultura ng Sangkatauhan ang “Washoku.” Ma-enjoy sana ninyo ang malasang lutuing Hapon na inihanda sa ryokan o hotel na gumagamit ng sariwang sangkap sa pook.

Mga hotel na nagtatampok ng masusing serbisyo at mabuting kaparaanan

Mga hotel na nagtatampok ng masusing serbisyo at mabuting kaparaanan

Bukod sa mga ryokan na nakatuon sa “omotenashi,” mayroon ding mga karaniwang hotel na naghahandog ng mabuting kaparaanan. Nasa mga pangunahing lungsod tulad ng Sapporo, Sendai, Tokyo, Nagoya, Osaka, Hiroshima at Fukuoka, malinis at maliwanag, at naghahandog ang mga hotel na ito ng kuwartong may nararapat na kasangkapan at pinabuting sistema ng kaligtasan upang mapangalagaan ang privacy ng mga bisita, at nagbibigay ng nakagiginhawang pagtuloy. Katulad din ng mga ryokan, tinutugunan ng mga city hotel ang iba’t ibang pangangailangan ng mga bisita mula sa ibang bayan sa pamamagitan ng masusing serbisyong sumasagisag sa Japan.

Page Top